Tinatayang nasa 350,000 sako ng asukal ang nadiskubre ng mga awtoridad sa tatlong bodega sa Silang, Cavite.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), lahat ng naturang asukal ay tinukoy na ginagamit para sa industrial use at 314,000 na sako rito ay inangkat pa mula Thailand.
Habang ang natitirang 36,000 sako ay locally produced.
Kaugnay nito, lumalabas na ang imported sugar na nasabat ay awtorisado sa ilalim ng Sugar Order No.3 kung pagbabasehan ang ipinakitang dokumento ng mga kinatawan ng bodega.
Ngunit ayon sa Department of Agriculture (DA) ay sasailalim pa sa validation ang mga ipinakitang dokumento.
Habang iniimbestigahan na rin nila ang natuklasang 36,000 sako ng locally-produced sugar na inilaan din para sa industry sector.
Facebook Comments