Halos 3,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa kahapon

Umabot sa 2,986 ang naitala ng Department of Health (DOH) na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, umakyat na sa 31,615 ang aktibong kaso matapos ang anim na araw na sunud-sunod na pagbaba.

Sa ngayon ay nasa 3,869,976 na ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa, kung saan 3,776,802 na ang mga gumaling matapos madagdagan ng 2,287.


Pumalo naman sa 61,559 ang bilang ng mga nasawi sa virus matapos makapagtala ng 40 na bagong COVID-19 related deaths kahapon.

Ito na ang ika-apat na magkasunod na araw na nasa 40 o higit pa ang naitatalang namamatay sa sakit.

Facebook Comments