Bahagyang umakyat ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 158 bagong kaso ng sakit kahapon.
Dahil dito, umabot na sa 4,075,324 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 9,188 pa ang patuloy na nagpapagaling.
Samantala, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng bagong COVID-19 cases sa nakalipas na dalawang linggo na nasa 445, sinundan ng Calabarzon na may 212; Davao Region, 168; Western Visayas, 100; at Central Luzon na may 69 cases.
Facebook Comments