Presyo ng diesel at gasolina, tataas na naman!

May namumuro na namang taas-presyo sa diesel at gasolina sa darating na linggo.

Sa pagtaya ng mga taga-oil industry, tataas ng ₱0.70 hanggang ₱0.90 ang presyo ng kada litro ng diesel habang ₱0.50 hanggang ₱0.70 ang gasolina.

Paliwanag ng Department of Energy (DOE), ang panibagong taas-presyo ay posibleng bunsod ng mga ulat na magbabawas ng produksyon ng krudo ang Russia.


Kung magkataon kasi, mapipilitang kumuha sa ibang sources ang mga bansa sa Europa oras na tumaas ang demand sa langis.

Isa rin ang China sa mga bansang inaasahang magtataas ng demand matapos na alisin nito ang kanilang zero COVID-19 policy.

Facebook Comments