Higit 33,000 na indibidwal sa Cebu, nabakunahan sa tulong ng Philippine Red Cross

Aabot na sa 33,998 na indibidwal ang nabakunahan kontra COVID-19 sa tulong ng tatlong Philippine Red Cross (PRC) bakuna buses na ipinakalat sa Cebu.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Senator Dick Gordon, hindi titigil ang Red Cross sa kanilang adhikaing aksiyunan ang kagutuman at dagdagan ang proteksyon sa publiko laban sa COVID-19.

Dagdag pa ni PRC Cebu Chapter Administrator Vera De Jesus, naging prayoridad sa pagbabakuna ang ilang grupo tulad ng persons deprived of liberty mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa lungsod ng Talisay sa South at siyudad ng Bogo sa North.


Aniya, ilang indibidwal din ang nabakunahan mula sa Drug Rehabilitation Center: Journey for Recovery.

Bukod sa vaccination initiative, patuloy pa rin ang suporta ng PRC Cebu Chapter sa mga komunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng lunch o hot meals on wheels food truck.

Nitong Setyembre 15, nasa higit 349 na tricycle at habal drivers, ambulant vendors at daily wage workers ang nabigyan ng meals sa Naga, Cebu City ng PRC volunteers at staff.

Facebook Comments