4-day work week, makakatulong sa ekonomiya pero may epekto sa kalusugan ng mga manggagawa

Sang-ayon ang isang labor group na epektibong paraan ang pagpapatupad ng four-day work week para matulungan ang mga maggagawa na mapagaan ang kanilang gastusin sa gitna ng nagtataasang presyo ng langis at bilihin.

Pero sa interview ng RMN Manila, nilinaw ni ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay na walang batas ukol sa pagpapairal ng 4-day work week kaya hindi mandatory.

Ibig sabihin, hindi ito pwedeng ipilit dahil maaari rin itong makaapekto sa kalusugan ng mga manggagawa at kalaunan ay makaapekto sa pagiging produktibo ng kompanya.


Samantala, una nang nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi na kailangan ng batas para sa implementasyon ng 4-day work week dahil mayroon na itong labor advisory ukol sa pagpapatupad ng flexible work arrangement.

Pero paglilinaw ng DOLE, dapat ay kapwa sang-ayon sa ganitong set-up ang mga empleyado at employer.

Facebook Comments