PNP-AVIATION SECURITY GROUP, TINIYAK ANG SEGURIDAD NG PUBLIKO SA CAUAYAN CITY AIRPORT

Cauayan City, Isabela- Mas pinaigting ngayon ng PNP Aviation Security Group (PNP-ASG) ang kanilang pagbibigay serbisyo sa mga biyahero na sasakay ng eroplano papasok at palabas ng Cauayan City Airport.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt. Julio Maribbay, hepe ng PNP-ASG, patuloy ang kanilang paalala sa publiko sa harap ng inaasahang dagsaan ng mga biyahero na papasok at lalabas ng paliparan.

Mahigpit pa rin aniya nilang oobserbahan ang pagsunod ng publiko sa umiiral na minimum public health standard upang makaiwas sa nakakahawang sakit na COVID-19.

May mga nakatalaga rin na Security Personnel ng paliparan maliban sa mga tauhan ng PNP-ASG na kanilang katuwang sa pagtitiyak ng maayos na seguridad ng mga biyahero.

Hinimok naman nito ang publiko na makiisa sa kanilang hakbang para masigurong maayos ang pagbiyahe at seguridad ng nakararami.

Facebook Comments