A4 priority group, posibleng mabakunahan sa ikalawang linggo ng Hunyo

Posibleng mabakunahan na ang A4 priority group ng COVID-19 vaccine sa ikalawang linggo ng Hunyo ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Kasabay ito ng pagdating sa bansa ng 50,000 dose ng Sputnik V mula Russia na sinalubong ni Galvez sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Galvez, balak na ring bumili ng bansa ng 20 milyon na dose ng nasabing brand upang makamit ang herd immunity ngayong taon.


Wala namang tiyak na petsa kung kailan darating ang mga bakuna mula sa US.

Una nang inihayag ni Philippine Ambassador sa US Jose Manuel Romualdez na isa ang Pilipinas sa makikinabang sa 80 milyon na surplus ng COVID-19 vaccine ng Estados Unidos.

Facebook Comments