5.3-million na pirma, iaakyat na sa opisina ng Pangulong Duterte ng mga nagsusulong ng pederalismo

Ipinirisinta kanina ng grupong People’s National Coalition ang 5.3-m na lagda na kanilang nakalap na nagpapakita ng buong pagsuporta sa isinusulong na pederalismo.

Magtutungo ang grupo sa Malacañang upang iakyat sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nalikom na pirma.

Bago ito, binasa ni Attorney Francisco Buan ang isang deklarasyon ng revolutionary government na patungo sa paghahanda sa pederalismo.


Ayon sa grupo, ang deklarasyon ay suportado ng aabot sa 12.4 million na miyembro nila sa iba’t ibang panig ng bansa.

Iginigiit ng grupo na dahil hindi umusad sa Kongreso ang pederalismo, gagamitin nito ang tinatawag na sovereign rights sa ilalim ng Section 1, Article 2 ng 1987 Constitution.

Ang drafted MRRD-NECC People’s Constitution ay pederalismo na 60% na kinuha mula Bayanihan Constitution na binalangkas noon ng consultative group ni dating Supreme Court Justice Reynato Puno.

Facebook Comments