Aabot sa 1 Bilyong Pisong Pondo, Kinakailangan ng DPWH Upang Matapos ang Proyektong Cabagan-Sta Maria Bridge sa Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Aabot umano sa isang Bilyong Piso ang lkinakailangang pondong magagastos para matapos ang kanilang ginagawang Sta Maria-Cabagan Bridge.

Ito ang inihayag ni DPWH Regional Director Engr. Melanio Briosos sa RMN Cauayan na mula sa budget nitong mahigit pitong daang milyong piso (700,000,000.00) ay nagkulang ito kaya’t naantala ang kanilang paggawa sa naturang tulay.

Aniya, Matatapos sana ito ngayong taon subalit dahil sa karagdagang pitong expansion nito ay kinailangan nila ng karagdagang pondo upang maipagpatuloy at matapos ang kanilang naantalang proyekto.


Inaasahan namang matatapos ito sa taong 2019 dahil hinihintay na lamang umano nila ang kanilang hiniling na karagdagang pondo sa pamahalaan.

Ang Sta Maria-Cabagan Bridge ay isa sa mga malalaking proyekto ng DPWH dito sa Lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments