Aabot Sa 100-Million Pesos Na Halaga Ng Condom – Nakatakdang Bilhin Ng Dept. Of Health

11

MANILA – Aabot sa 50 hanggang 100 million pesos na halaga ng condom ang nakatakdang bilhin ng Department of Health.Ito ay bilang bahagi ng kampanya kontra Human Immunodeficiency Virus o HIV.Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo – naglaan na ang kagawaran ng 1 billion pesos bilang tugon sa problema sa HIV at Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS sa susunod na taon.Sa ngayon anya ay mayroong stock na 10 million condoms ang DOH upang ipamahagi sa mga pilot area, partikular sa mga high-risk area sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon Regions.Magugunitang ipinanukala ni Health Secretary Paulyn Ubial ang pamamahagi ng condoms sa mga eskuwelahan dahil sa tumataas na bilang ng kabataang edad 15 hanggang 24 ang nahahawa ng HIV.

Facebook Comments