Government Peace Negotiator At Labor Secretary Silvestre Bello, Tiwala Na Hindi Tatalikuran Ni Pangulong Rodrigo Duterte

12

MANILA – Tiwala si government peace negotiator at Labor Secretary Silvestre Bello na hindi tatalikuran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong pagpapalaya sa ilan pang mga political detainees.Ayon kay Bello – kailangan na magtiwala sa pangulo na kaya nitong gawin ang ipinangakong kalayaan sa mga political prisoner partikular ang mga matatanda at may sakit.Aniya, nakiusap si Bello sa mga rebeldeng grupo na maghintay-hintay lamang para mabigyan ng sapat na panahon ang pangulong tuparain ito.Una nang iginiit ng CPP-NPA-NDF na mapalaya ang higit 400 mga political prisoner kasunod na rin ng muling paggulong ng usaping pangkapayapaan sa gobyerno.

Facebook Comments