Umaabot sa 105 na motor vehicles ang sinita ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanya nito kontra overloading.
Isinagawa ang anti-overloading operation sa Tabang Weighbridge Station sa Guiguinto, Bulacan.
Mula sa naturang bilang, 91 ang sinita dahil sa overloaded.
Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade, layon nito na malinis ang mga kalsada ng mga overloaded trucks na maaaring pagmulan ng mga aksidente.
Aniya, magtutuloy-tuloy ang kampanya hanggang matuto ang mga pasaway na sumunod sa batas.
Facebook Comments