Aabot sa 1,500 bahay, nasunog sa malawakang wildfires sa California

World – Umabot na sa 1,500 bahay at business establishments ang nasira dahil sa malawakang wildfires sa California.

Sa datos ng California Department of Forestry and Fire Protection, nasa 20,000 tao na ang inilikas dahil sa sunog na umabot sa walong probinsya ng estado.

Aabot sa 114,000 residente ang walang kuryente.


Hindi pa matukoy ang bilang ng mga taong nawawala maging ng mga namatay.

Sa ngayon, patuloy ang mandatory evacuation sa lugar.

Facebook Comments