Kabiguang mahanap si Quiboloy, ipinagtataka ng isang leader ng Kamara

Nakakabahala at isang malaking tanong para kay House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap si Kingdom of Jesus Christ lider Pastor Apollo Quiboloy.

Ipinunto ni Suarez na ang pagtatago ni Quiboloy ay nagpapakita ng kawalang respeto nito sa gobyerno at sa mga batas ng bansa.

Ayon kay Suarez, ilang buwan na ang manhunt laban kay Quiboloy matapos maglabas ng arrest order ang Senado at Kamara bukod sa arrest warrant na inilabas ng mga korte sa Davao at Pasig City.


Kaya naman nananawagan si Suarez sa mga alagad ng batas na doblehin ang kanilang pagtatrabaho upang mahanap si Quiboloy at kanyang maharap ang mga alegasyong sexual abuse, child abuse at human trafficking.

Habang dinidinig naman sa Kamara ang mga paglabag ng Sonshine Media Network Inc. (SMNI) sa termino ng prangkisa nito.

Facebook Comments