Ayon kay Grab Philippines Head Brian Cu – ginawa nila ang suspensiyon para mapigilan ang anumang uri ng panloloko sa kanilang app.
Una na rin aniya nilang sinuspinde ang 900 users dahil din sa kaparehong paglabag.
Bukod sa suspensiyon, naka-ban din ang 125,000 pasahero at customer dahil sa maraming bilang ng ride at order cancellations, paggawa ng maraming grab accounts, hindi makatarungangn rating sa mga drivers at iba pa.
Tiniyak naman ni cu na patuloy nilang imo-monitor ang nasa mahigit 100,000 users dahil sa pagiging abusado, hindi pagbayad ng tamang pasahe, overloading, at paglalagay ng maling pick-up point.
Facebook Comments