Sa kabila ng kaguluhan sa Israel, aabot sa 400 Pinoy caregivers ang nakatakdang ipadala sa nasabing bansa bago matapos ang buwan ng Mayo.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, wala pang abiso ang gobyerno ng Israel tungkol sa pagba-ban ng pagpasok doon ng Pinoy workers.
Aniya, siniguro sa kanila ng gobyerno ng Israel na ang mga caregiver ay itatalaga sa lugar na malayo sa kaguluhan.
Tiniyak din ni Olalia na hindi pababayaan ang mga ipapadalang caregiver at aasikasuhin naman ang kanilang pag-uwi kung lalaki pa ang tensyon sa Israel.
Maliban dito, mayroon pang 500 na mga Pinoy caregiver ang ipapadala sa nasabing bansa sa Hulyo o Agosto.
Facebook Comments