Aabot sa 45 katao, patay matapos bombahin ang Western Province of Herat sa Afghanistan

Patay ang 45 katao kabilang na ang ilang sibilyan at Taliban fighters matapos magkaroon ng pambobomba sa Western Province of Herat sa Afghanistan.

Ayon kay Ali Ahmad Faqir Yar, Gobernador ng Adraskan District sa probinsya ng Herat, kasama sa mga nasawi ang walong (8) residente sa nasabing lugar.

Hindi naman aniya malinaw kung ilang miyembro ng Taliban fighters ang namatay sa pagsabog.


Sa ngayon, inaalam na ng Afghanistan’s Defense Ministry ang dahilan ng pambobomba.

Facebook Comments