Lotto muling bubuksan sa Agosto 4, presyo ng kada taya balik sa P20

2971

Sa mga nagbabakasakaling maka-jackpot o maging milyonaryo, inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkoles ang pagbubukas ng lotto sa Agosto 4.

Ayon kay Royina Garma, general manager ng PCSO, ibabalik din ang presyo ng kada taya sa P20.

Magkakaroon naman ang ahensiya ng “catch up” draws sa mga lotto tickets na nabili bago ang lockdown noong Marso 17.

Dagdag ng opisyal, papalo raw sa halagang P304 milyon ang jackpot prize para sa Ultra Lotto 6/58.

Maigting ding ipapatupad ng PCSO ang mga pag-iingat sa proseso ng pagtaya para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Umabot din sa P9 bilyon ang kanilang lugi dahil sa halos apat na buwang tigil-operasyon.

Posible raw na makamit nila ang dating kinikita sa darating na Disyembre o Enero nang susunod na taon.




Facebook Comments