Nakatanggap ng kanilang second booster shots kontra COVID-19 ang aabot sa 500 na mga empleyado ng MRT-3.
Kabilang sa mga nakakuha ng 2nd dose ng booster shots ay mga kawani na nakatalaga sa maintenance at sa depot personnel ng MRT-3.
Gayundin ang mga security providers ng linya.
Ang booster vaccination rollout para sa mga empleyado ng MRT-3 ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng pamunuan sa Quezon City Health Center.
Ayon kay MRT-3 General Manager Engr. Federico Canar Jr., bahagi ito ng layunin ng MRT-3 management na matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado at ng mga pasahero na kanilang nakakasalamuha.
Facebook Comments