Filipino Communities sa Indonesia at Singapore, bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

60

Makikipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Filipino communities sa bansang Indonesia at Singapore sa gagawing state visit ng pangulo.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson at Ambassador Ma. Teresita Daza sa pre-departure briefing via zoom na personal na titiyakin ng pangulo sa mga Pilipino sa dalawang bansa ang patuloy na suporta at commitment ng pamahalaan.

Ito ay para maprotektahan ang kanilang karapatan at i-promote ang kapakanan ng mga Pilipino sa abroad.


Dagdag pa ni Daza, ang back-to-back na pagbisita ng pangulo sa Indonesia at Singapore ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga bansa na kasapi ng ASEAN.

Facebook Comments