Aabot sa P84-M na Jackpot Prize sa Super Lotto 6/49, natanggap na ng isang lucky bettor sa Batangas

2279

Natanggap na ng isang lucky bettor mula sa Batangas ang kaniyang Super Lotto 6/49 Jackpot Prize na nagkakahalaga ng P84 million.

Kasama ng kaniyang asawa, tinanggap nito ang premyo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) main office sa Mandaluyong City nitong Hulyo 1.


Ang lucky ticket winning combination ng maswerteng nanalo ng lotto ay 10-20-32-40-08-11 na binili sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa PCSO, umabot ng 20 taon na tumataya sa lotto ang maswerteng lalaki na napili sa pamamagitan ng lucky pick system.

Samantala, hinihikayat naman ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan-Garma na patuloy na tangkilikin ang PCSO dahil napupunta naman ang kita nito sa mga charity na tumutulong sa mga nangangailangan.

Facebook Comments