Muntinlupa LGU, magpapasa ng resolusyon na nagbibigay parangal at pagkilala kay Hidilyn Diaz

103

Isa ang Muntinlupa City sa labis ding nagpupugay sa tagumpay ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.

Dahil dito ay isang resolusyon ang nakatakdang ipasa ng Muntinlupa City Council na nagbibigay parangal at pagkilala kay Hidilyn.


Ang hakbang ng Muntinlupa City Council ay kasunod ng pagsungkit ni Hidilyn ng gintong medalya sa weightlifting category sa Tokyo Olympics.

Base sa kasaysayan ay ito ang kauna-unahang gintong medalyang nakamit ng Pilipinas sa Olympics.

Facebook Comments