AALALAY | China – handang tumulong sa pagresolba ng isyu sa enerhiya sa Pilipinas

Handa umanong umalalay ang ilang kompanya sa China para matulungan ang kanilang mga counterpart sa Pilipinas na solusyunan ang isyu sa enerhiya.

Matapos ang naging pulong kay Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin, sinabi ni Chinese State Councilor at top diplomat Wang Yi na walang rason para hindi tulungan ng china ang pilipinas na itinuturing nitong “good friend”.

Aniya, may mga kagamitan ang China na makakatulong sa Pilipinas para makalikha ng hydro, solar, nuclear at wind power.


Handa rin daw silang pag-usapan ang posibleng joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea.

Facebook Comments