Manila, Philippines – Itutuloy ng PNP Internal Affairs Service ang imbestigasyon sa kaso ng apat na pulis na umanoy gumahasa ang 29 na taong gulang na buntis sa harap mismo ng kanyang 2 taong gulang na anak sa Barangay Bangkal, Meycauayan, Bulacan. Ito ay kahit ayon kay Bulacan Police Provincial Director Sr. Supt. Romeo Caramat Jr. ay hindi na nakikipagtulungan pa sa imbetigasyon ang biktima at hindi na rin ito pumayag na maisailalim sa medico legal examination. Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, hindi na kailangan pa ng PNP IAS ng affidavit ng complainant para sa pag-iimbestiga ng kaso. Aniya gagawa sila ng paraan upang matukoy kung taga saan talaga ang biiktima at paano ito napunta sa bahay ng target ng drug operation. Iimbestigahan din aniya ang apat na pulis, maging ang location ng pinangyarihan ng umanoy panggagahasa at maghahanap sila ng posibleng mga testigo sa paligid. Mismong itinuro ng nagrereklamong babae, ang tatlo sa apat na pulis na umano’y nanggahasa sa kanya na sina PO2 Jefferson Landrito, PO1 Marlo Delos Santos at PO1 Jeremy Aquino. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
AALAMIN | PNP-IAS, tuloy ang imbestigasyon sa kaso ng 4 na pulis na umano’y gumahasa sa buntis sa Bulacan kahit hindi na nagsampa ng reklamo ang biktima
Facebook Comments