AALAMIN | PNP, ipinauubaya na sa AFP ang posibleng pagkakasangkot ni Ladlad sa Red October plot

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng PNP sa AFP ang pag-iimbestiga sa posibleng pagkakasangkot ng arestadong NDFP consultant na si Vicente Ladlad sa naudlot na Red October ouster plot.

Ito ang sagot ni PNP Chief Oscar Albayalde kung ang mga armas at granadang nakumpiska mula kay Ladlad ay gagamitin ng NPA sa destabilization plan.

Ayon kay Albayalde – itu-turn over nila AFP ang mga supersibong dokumento na nakuha mula kay Ladlad para sa pagsisiyasat.


Bahagi ito ng kooperasyon ng PNP at AFP sa intelligence gathering.

Tiniyak ng PNP chief na patuloy ang kanilang intelligence monitoring upang matunton ang lokasyon ng iba pang nagtatagong NDFP consultants.

Facebook Comments