Manila, Philippines – Sunod na susuriin ngayon ng COMELEC kung nakatalima ba ang mga kandidato sa campaign spending limit na limang piso kada botante.
Inihayag ito ng COMELEC matapos ang deadline kahapon ng pagsusumite ng Statement of Contribution and Expenditure o SOCE ng mga tumakbo sa Barangay at SK Elections nitong Mayo 14.
Babala ng COMELEC, ang mga gumastos nang sobra sa pangangampanya ay mahaharap sa reklamong disqualification.
Una na ring inihayag ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ang mga nabigong makahabol sa pagsusumite ng SOCE ay hindi iisyuhan ng Certificate of Compliance (COC) na requirement para sa mga nanalo bago sila magsimulang manungkulan.
Facebook Comments