Manila, Philippines – Nahaharap ngayon sa kaso ang isang taxi driver at
aalisan pa ng lisensya matapos kontratahin ang isang Filipino-American
blogger.
Batay sa video na ipinost ni Haley Dasovich sa social media, hinihingan
siya ng P500.00 na bayad ng driver na si Fredirick Cayanan para maihatid sa
kaniyang destinasyon.
Dahil dito, agad ipinatawag ni Manila International Airport Authority
(MIAA) General Manager Ed Monreal Si Cayanan at sinermonan.
Lalo ring ikinagalit ni Monreal nang malamang pangalawang beses na itong
ginawa ni Cayanan.
Ipapatawag naman ng MIAA police ang nasabing blogger para maghain ng pormal
na reklamo laban kay Cayanan.
Kasabay nito, tiniyak ni Monreal na i-ba-ban na niya sa paliparan si
Cayanan maging ang mga taxi driver na may kaparehong reklamo.
Pag-aaralan rin aniya nila ang pagbabawal sa mga white taxi na makakuha ng
pasahero sa NAIA.
<#m_-3664717638096861934_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>