Nais ni United States President Donald Trump na alisin ang trade barriers sa pagitan ng Estados Unidos at mga malalapit na kaalyado nitong bansa.
Ito ay sa kabila ng tensyon tungkol sa plano ni Trump na magpataw ng mabigat na taripa sa steel at aluminum imports mula European union, Canada at Mexico.
Ayon kay Trump – ultimate goal niya ay matanggal ang lahat ng trade duties.
Ibinunton din ni Trump ang sisi sa mga nakalipas na Pangulo ng amerika ang umano ay hindi patas na trade deals.
Una nang nagbanta naman ang EU, Canada at Mexico na gaganti ang mga ito sa pamamagitan ng pagpataw din ng taripa sa ilang mga us products.
Facebook Comments