PANSAMANTALA | CAAP, ipinasara ang Francisco Reyes Airport sa Palawan

Manila, Philippines – Pansamantalang ipinasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Francisco Reyes airport sa Palawan.

Ito ay matapos mag-overshoot ang skyjet plane sa runway lulan ang 80 pasahero at anim na crew.

Ayon kay caap chief information office and Spokesperson Eric Apolonio – ligtas na ang kalagayan ng mga pasahero at crew.


Nag-isyu na rin ng notice to airmen kung saan ang lahat ng flights patungo at magmumula busuanga ay kanselado.

Iniimbestigahan na ang pangyayari para malaman ang sanhi ng aksidente.

Facebook Comments