Aangkating bigas ng Pilipinas ngayong taon, posibleng umabot sa 2.6 milyong tonelada

Aangkat pa ng maraming bigas ang Pilipinas ngayong taon upang mapunan ang suplay nito sa buong bansa.

Ayon sa US Department of Agriculture-Foreign Agricultural Service (USDA-FAS), posibleng umabot sa 2.6 milyong tonelada ang rice imports ng Pilipinas kumpara sa 2.3 milyong tonelada noong nakaraang taon.

Nananatili namang pangatlo ang bansa sa pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo sumunod sa China at Bangladesh.


Facebook Comments