Washington Wizards forward Kyle Kuzma, pinagmulta ng 15,000 dolyar matapos mag-middle finger sa mga fans

Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) si Washington Wizards forward Kyle Kuzma ng $15,000 dolyar matapos magpakita ng hindi magandang asal sa mga fans.

Ginanap ito sa fourth quarter ng laban ng koponan kontra Pistons sa Detroit, Michigan.

Ayon sa ulat, nagpakita ng middle finger si Kuzma sa mga fans ng Pistons matapos maipasok ang kaniyang three points.


Hindi naman ito pinalagpas ng NBA association at agad na gumawa ng nararapat na hakbang.

Kabuuang 26 points, 7 rebounds at 4 assist ang kinubra ni Kuzma para sa panalo ng Wizards kontra Piston.

Facebook Comments