Inaprubahan na ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagsama sa lahat ng COVID-19 vaccines imports sa “Mabuhay” o express lane para sa mabilis na pagproseso ng tax at duty exemptions sa vital shipments.
Pinayagan na rin ng DOF ang pagtatanggal ng filing fees para sa COVID-19 vaccine applications sa ilalim ng Mabuhay lane at ang paggamit ng Tax Exemption System (TES) Online Filing Module para sa pagproseso ng vaccine imports.
Ayon sa DOF, layon nito na mapabilis ang rollout ng vaccination ng pamahalaan.
24 oras ding magpoproseso ang Mabuhay lane para sa mga aplikasyon ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments