Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, muling tumaas; 1 pang Pinoy, binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID

48

Tumaas ngayon sa 32,437 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

2,269 naman ang bagong kaso habang ang bagong gumaling ay 738.


72 naman ang bagong binawian ng buhay.

Umaabot na ngayon ang total COVID cases sa bansa sa 568,680.

Ang total recoveries naman ay 524,042 habang ang total deaths ay 12,201.

Samantala, 1 Pinoy sa abroad ang bagong binawian ng buhay habang isa ring overseas Filipino ang bagong tinamaan ng virus.



Wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs na panibagong Pinoy na gumaling sa COVID sa abroad.


Umaabot na ngayon sa 14,873 ang kabuuang mga Pinoy na na-infect ng virus sa ibayong dagat.

Ang aktibong kaso naman sa ngayon ay 4,491 habang ang total recoveries ay 9,366.

Ang total deaths naman ay 1,016.

Facebook Comments