AAOC, may rekomendasyon sa MIAA para maiwasang maulit ang power outage

Naglatag ng mga rekomendasyon sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang ASEAN Airlines Operators Council (AAOC) upang maiwasang maulit ang nangyaring pitong oras na power outage sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3.

Ayon sa AAOC, dapat isinailalim sa management at maintenance ang airport equipment partikular ang generator sets at x-ray machines.

Lumalabas kasi na ang nangyari sa NAIA 3 ay discharged ang baterya ng generator sets kaya hindi ito nagamit nang mawalan ng supply ng kuryente sa paliparan.


Inirekomenda rin ng AAOC na palitan nang maaga ang may mga luma ng pasilidad sa airport at huwag nang hintayin na magka-aberya ito o masira bago pa palitan.

Sa oras anila kasing masira ang anomang pasilidad sa paliparan ay mahaba ang proseso bago makabili ng kapalit nito.

Nakita rin ng grupo na kulang sa pagpaplano sa distribusyon ng load ng kuryente sa NAIA 3.

Mas marami kasing airlines ang nag-o-operate sa NAIA 3 kaya dapat anila magkaroon ng maayos na distribusyon ng elektrisidad upang maiwasan ang aberya.

Facebook Comments