Grupo ng mga health workers, kinalampag ang tanggapan ng DOH hinggil sa hindi pa naibibigay na SRA at iba pang benepisyo

40

Kinalampag ng Alliance of Filipino Workers (AFW) ang tanggapan ng Department of Health (DOH) para ibigay na ang matagal na nilang hinihiling na pondo para sa Health Care Workers (HCW).

Kabilang sa mga nagprotesta ang iba’t ibang sektor mula sa pribadong ospital sa Metro Manila at karatig probinsya.

Isa sa kanilang mga hinaing ay ang kakulangan ng suporta ng gobyerno at hindi sapat na benepisyo para sa mga COVID-19 frontliners.


Ayon kay AFW Chairperson Rene Capito, posibleng maging madalas na ang kanilang protesta kung hindi pa rin pakikinggan ang kanilang panawagan at hinaing.

Giit ni Capito, mapayapa naman nilisan ng grupo ang harapan ng tanggapan ng DOH matapos maihayag ang kanilang saloobin.

Facebook Comments