AAPELA | Grab, i-aapela ang P12-M na multang ipinataw sa kanila ng PCC

Manila, Philippines – Plano ng Grab Philippines na maghain ng motion for reconsideration matapos silang patawan ng ₱12 million ng Philippine Competition Commission (PCC) dahil sa acquisition nito sa Uber.

Matatandaang ang dalawang transport network companies ay pinagmulta ng PCC ng apat na milyong piso dahil itinuloy nito ang merger habang isinasagawa ng ahensya ang review, habang ang walong milyong piso ay ipinataw sa Grab dahil sa kabiguang panatilihin ang pre-merger business conditions para sa pricing, rider promotions, driver incentives at service quality.

Ayon kay Grab Philippine lead legal counsel Miguel Aguila – mariin nilang tinututulan ang desisyon ng PCC.


Aniya, nakumpleto ng Grab ang mga legal compliance nito at wala silang nilabag na interim measures order.

Dagdag pa ni Aguila – hindi nagbago ang pasahe sa Grab hanggang sa ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ₱2 per minute charge.

Binibigyan naman ng PCC ang Grab at Uber hanggang Lunes, October 29 para maghain ng apela.

Facebook Comments