UNDAS 2018 | Oplan Biyaheng Undas, ipatutupad ng CAAP ngayong araw

Manila, Philippines – Ipatutupad na ngayong araw ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Oplan Biyaheng Undas.

Layunin nitong mabigyan ng komportableng biyahe ang mga air passengers.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio – sakop ng programa ang 44 na commercial airports sa bansa.


Magpapatupad sila ng maximum deployment at ipagbabawal na rin ang pagli-leave o pag-day off ng kanilang mga tauhan.

Facebook Comments