AAPELA | Grab Philippines, aapela hinggil sa ipinataw na P10-M na multa ng LTFRB

24

Manila, Philippines – Aapela ang Grab Philippines hinggil sa 10 milyong pisong multang ipinataw sa kanila ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa overcharging.

Sa pahayag ng Grab, itinatanggi nito ang overcharging sa mga pasahero at iginiit naka-fixed o itinakda na ang pasahe bago pa man kumpirmahin ng bookings.

Ayon sa Grab, ang suspensyon ng dalawang piso kada minutong waiting time charge ay hindi dahilan ng mahirap na pagbo-book ng rides ng mga pasahero.

Nanawagan ang Grab sa LTFRB na resolbahin ang kakulangan ng supply ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) partner drivers.

Facebook Comments