WEATHER UPDATE | Panibagong sama ng panahon inaasahang papasok sa PAR

109

Isang panibagong sama ng panahon ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong weekend.

Base sa monitoring ng Japan Meteorological Agency, nakita ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Kabisayaan.

Mataas ang posibilidad na maging bagyo ito sa mga susunod na araw.

Patuloy namang umiiral ang hanging habagat.

Asahan ang buong araw na pag-ulan sa Bataan, Zambales, Mindoro at Palawan habang may thunderstorms sa halos buong bahagi ng Luzon.

Buong araw din ang ulan sa halos buong Kabisayaan.

Maghapong ulan din ang asahan sa Zamboanga Peninsula at Sulu Archipelago.

Sunrise: 5:32 ng umaga
Sunset: 6:28 ng gabi

Facebook Comments