AARANGKADA NA | Accreditation ng taxi-hailing service na MiCab, aprubado na

Manila, Philippines – Magsisimula na ang operasyon ng taxi-hailing service na MiCab.

Ito ay matapos aprubahan ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang accreditation nito bilang Transport Network Company (TNC).

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, valid ang accreditation ng MiCab systems corporation sa loob ng dalawang taon.


Sinabi naman ni MiCab Head of Operations Kris Montebon, nagsimula na sila sa deployment at training ng mga taxi drivers sa Metro Manila.

Magsisimula aniya ang kanilang operasyon kapag natanggap na nila ang accreditation papers.

Ang Micab ay itinatag noong 2012 sa Cebu City ay magbibigay ito ng serbisyo sa mga commuter sa Cebu, Davao, Iloilo at Metro Mania.

Bukod sa MiCab, binigyan na rin ng go-signal ng LTFRB para mag-operate ang Hype, Hirna, Golag, Ipara at Owto.

Facebook Comments