AARANGKADA NA | Oplan Balik Eskwela, sisimulan na ngayong araw

Manila, Philippines – Aarangkada na ngayong araw ang kanilang Oplan Balik Eskwela (OBE) ng Department of Education (DepEd) para sa school year 2018-2019.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang OBE ay bahagi ng kanilang taunang inisyatiba para hikayatin ang kanilang mga education partners at stakeholders na makiisa sa pagha­handa para sa pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral sa public schools.
Ang muling pagbubukas ng OBE ay isasagawa sa bulwagan ng karunungan sa DepEd Central Office sa Pasig City.

Facebook Comments