POSITIBO | Senate President Koko Pimentel, tiniyak na wala siyang sama ng loob sa mga kapwa niya senador

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na wala syang sama ng loob sa mga kapwa nya senador.

Ito ay matapos na lumagda ang 15 mga senador sa resolusyong humihiling na ipalit si Senador Tito Sotto bilang senate president.

Ayon kay Pimentel, hindi sya galit sa kanyang mga kasamahan.


Tanggap na aniya niya ang naging desisyon ng mga kapwa niya senador dahil dapat bukas sa pagbabago ang tao sa lahat ng oras.

Positibo naman si Pimentel na dadating na ang pagbabago sa senado.

Facebook Comments