AARANGKADA NA | TNVS operator at driver na walang prangkisa, huhulihin na

Manila, Philippines – Aarangkada na sa Setyembre a-uno ay huhulihin na ang mga driver at operator ng Transport Network Vehicle Service o TNVS na walang prangkisa.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hanggang ngayon ay kakaunti lamang ang mga operator at driver na nag-aayos ng kanilang prangkisa mula nang simulan ang pagtatanggap ng aplikasyon noong Marso.

Bibigyan sila hanggang Agosto 31 para ayusin ang kanilang rehistro.


Facebook Comments