Aaron Black, bagong player ng Zamboanga Familys Brand Sardines By: GINO PIPiNO

36

Picture: Spin.ph
Inaprubahan na ng komite ng MPBL ang panibagong trade sa pagitan ng Zamboanga Familys Brand Sardines at Quezon City Capital.  Ayon sa team manager ng Zamboanga na si Alvin Munio malaking tulong para sa team ang paglipat ni Aaron Black habang nasa recovery stage pa sina team captain Harold Arboleda at big man Leo De Vera dahil sa natamong injury.  Naging kapalit ng nasabing trade kay Black sina Ryan Costello at Christian Fajarito kung saan ay nauna nang nakuha ng Zamboanga ang servicio sa pamamagitan din ng pag trade sina Alvin Pasaol, Leonard Santillan, Anton Asistio, Denice Villamor, Hans Thiele at Jun Bonsubre. Si Black ay anak ng PBA Hall of Famer at current Head Coach ng Meralco Bolts sa PBA na napili ng Universal Canning Inc., simula nang binuksan ang trade period.

Facebook Comments

From Advertisers