City Mayor Dy, Ipinagmalaki ang Resulta ng Road Clearing Operations!

110

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ni City Mayor Bernard Dy ang naging resulta sa katatapos lamang na validation ng DILG sa Road Clearing Operations ng Lungsod ng Cauayan.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Dy, masaya na ito dahil nakakuha ng 97% na grado ang LGU Cauayan mula sa DILG bilang resulta ng kanilang isinagawang paglilinis at pagtanggal sa mga obstructions o sagabal sa mga lansangan.


Hiniling naman ni Mayor Dy sa mga Barangay Kapitan na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga kalsada at siguraduhin na may kabuhayan pa rin ang mga naapektuhan sa clearing operations.

Kaugnay nito, wala namang mga kapitan ang nabigyan ng showcause order mula sa DILG dahil nakamit naman ang mahigit 80 porsyentong grado ng LGU na mandato ng DILG.

Patuloy naman ang panawagan ni Mayor Dy sa publiko na makipagtulungan para sa mas maayos na Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments

From Advertisers