Manila, Philippines – Kakausapin ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go, ang dalawang miyembro ng Gabinete kaugnay sa malawakang pagbaha dahil sa matinding pagulan.
Ayon kay Go, kakausapin niya si Environment Secretary Roy Cimatu dahil sa Quarrying operations sa Taytay Rizal na nagdudulot ng pagbaha.
Kakausapin din naman ni Go si Public Works Secretary Mark Villar para magsagawa ng dredging operations sa mga mabababaw na ilog na isa pang dahilan ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan.
Binigyang diin ni Go na sa lalong madaling panahon ay ipaaabot niya sa dalawang gabinete ang mga concerns na ito dahil hindi pa lumilipas ang panahon ng tagulan kaya inaasahan pa ang mga ganitong klase ng kalamidad.