SUPORTADO | Cash-based budgeting system, solusyon sa underspending

Manila, Philippines – Sinuportahan ni Senator Win Gatchalian ang cash-based budgeting system para sa taong 2019.

Paliwanag ni Gatchalian, tugon ito sa underspending o hindi paggastos ng ahensya ng pamahalaan sa pondo ng nakalaan sa ito kaya hindi natatapos ang ilan sa mga nakalinyang proyekto o programa.

Ayon kay Gatchalian, sa loob ng nagdaang sampung taon ay halos 60-70 percent lang sa pondong nakalaan sa mga ahensya ng gobyerno ang nagagamit.


Naniniwala si Gatchalian na sa pamamagitan ng cash-based budgeting system ay magkakaroon ng disiplina sa paggastos ang mga government agencies.

Facebook Comments