AAYUSIN | 1 year total closure sa buong Boracay, inirekomenda na ng Boracay Inter-Agency Task Force

Manila, Philippines – Inirekomenda nina DENR Secretary Roy Cimatu, Tourism Secretary Wanda Teo at DILG Secretary Eduardo Año ang buong pagsasara sa Boracay Island habang isinasailalim ito sa rehabilitasyon.

Ipinanukala ni Cimatu ang pagpapatupad ng one year total clousure ng buong Boracay dahil kailangang ayusin ang sewerage system ng buong isla. Tinalakay din sa pulong ng mga opisyal ang planong pag-aaral sa kondisyon ng mga tourists destinations sa Palawan, Mindoro Provinces, Ilocos at Bohol para mapangalagaan ito.

Sa Marso 26 (Lunes) ay nakatakdang magsusumite ang mga pinuno ng DENR, DOT at DILG ng kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Una na ring inilarawan ng Pangulo ang Boracay bilang “cesspool” dahil sa pagtatapon ng dumi direkta sa dagat ng ilang mga establishimento sa lugar.

Facebook Comments