AAYUSIN | DPWH at MMDA , lilinisin ang 11 mga estero sa Metro Manila

Manila, Philippines – Tutukan ngayon linisin ng DPWH at MMDA ang labing isang estero dahil sa matinding pagbuhos ng ulan kahapon na nagresulta ng mga pagbaha sa maraming lugar sa Kamaynilaan.

Ayon kay DPWH Secretaey Mark Villar bumuhos ang malakas na ulan kahapon na agad nagkaroon ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila kabilang ang mga estero ang bumaha at nagresulta rin ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Paliwanag ng kalihim magsasagawa ngayon ng pag inspection ang DPWH katuwang ang MMDA at mga Lokal na pamahalaan upang linisin at hakutin ang mga basurang bumabara sa mga estero sa Metro Manila.


Kabilang sa mga tatanggalan ng mga basura ay ang Estero De Maypajo, Estero De Valencia, Estero De Quiapo, Estero De Sampaloc, Estero De Alix, Estero De Pandacan, Estero Sta.Clara, Estero De Magdalena, Estero De San Lazaro at Estero Dela Reina.

Panawagan ng DPWH sa publiko dapat na makipagtulungan sa gobyerno at kung maaari ay iwasan na magtapon ng basura kung saan saan na siyang dahilan kung bakit bumabara sa mga lagusan ng tubig na naging dahilan ng pagbaha tuwing may sama ng panahon.

Facebook Comments